Nung nag-apply ako ng Elective Training sa QCGH at natapos ang Pluto Reliquish
October 15, 2009
Sinabihan kami ni Ma’am Tess (QCGH Surgery Ward Head Nurse) na bumalik sa QCGH ng Oct. 15 para magpa-reserve ng slot for elective training. Nakakuha ako ng slot for Nov. 2, and the first stop - Emergency Room! Nakita ko malapit ng matapos ang ginagawang bagong building ng QCGH.
After, nag DDR X ako sa Quantum, SMCNEDSA. Natapos ko ang Pluto Reliquish by 2MB ng walang Danger sa Life Bar ko! Pero kahit na natapos ko ‘to ng ganun, alam kong naka-set sa easy ang life difficulty ng machine. Damn, hindi ko pa talaga kaya ang last 400 BPM part! Na-AA ko rin ang ibang song tulad ng SEKAI HA ODORU by BREAKERZ & U Can’t Touch This by MC Hammer.
