April 4, 2009
Pumunta kami (Ako, Klok, Jan, Pilar, Mama, Tito Jing, Tito Aling, Tita Vita, Nino, Lovely, Nina Jane, Ara, Marlon, Matthew, Alvin, Justin, Aljun at Ata) sa Pola, Oriental Mindoro! Using van, nag door to door kami from our house, papuntang Batangas Pier, sumakay sa Montenegro Lines, baba ng Calapan City, diretso sa bayan ng Pola, at nag bangka papuntang Buhay na Tubig!

OK lang ba kayo diyan?

Lameeeg.. May pirata pa oh..

Calapan Pier, with hulog-piso-sisid kids

Court ng Pola

Sa dike ng Pola
Pagdating sa Buhay na Tubig, umakyat kami sa bundok. Narating namin ang bahay ni Tito Reuben. Nag pabasa kami doon, kumain ng mala-putaheng favorites (Calderetang kambing with cheeze, Dinuguang baboy, Chicharong bulaklak, Sampaini, Papaitan). Nag session kami nila Alvin, Ata, Aljun sa terrace with Gran Ma (’yung pabilog), at hits of limited edition of Mild Seven. Napansin kong kakaiba ang brand ng mga yosi dito sa bundok (Bingo, Ray), marahil galing abroad.

Kalakeng bato nire!

Babaan na!

Akyat sa bundok!

Bahay ni Tito Reuben

Pabasa session
Kinabukasan, natapos na rin ang pabasa. Nagpa ukay-ukay, kumain at bumaba na ng bundok. Tumuloy naman kami sa bahay nila Tito Cezar. Tumambay sa batuhang pampang at naglaro sila Klok ng basketball, panalo sa una, talo sa pangalawa. Lumangoy na rin kami sa dagat at nagbanlaw sa ilog. Nag session nanaman ulit kami nila Aljun, another Gran Ma at Carlos I. Habang may alocohol na sa utak namin, tumuloy pa kami sa bahay nila Biyen at tinuloy ang inuman sa tabing dagat.

Ligo ligo..

Ooooh, katakot sa kubo….

Inuman part 2
Pagkagising namin, bumalik kami kila Tito Cezar. nag mega swimming na talaga sa dagat. Nakakuha kami ng iba’t ibang sea creatures (paitan, sea cucumber, sea urchin, starfishes). Kumain kami sa tabing dagat ng pinitpit at banaghoy. After, nag bangka kami papuntang laot, sumisid sila ng 20 feet! Next stop naman ay kila Tito Awe, at siyempre, inuman session.

Pabalik sa bahay ni Tito Cezar

Saya dito!

Kaun ney!

Special Pinitpit

Special Bananghoy

Swimming na please!

Inuman session part 3
Next stop naman ay kila Tito Awe, meron kaming kinain sa bahay na malaking paitan (hindi ko alam kung ano tawag doon) at yung sigay, hindi ko alam kung paano talaga kainin ‘yun! Siyempre, may inuman session ulit!
Kinabukasan, nag impake na kami para bumalik na sa Manila, nag stop over muna sa cottage sa Pola bayan. Nagpa picture din kami sa mga Moriones! Sumama sila Dovelyn, Angie at Rose Ann!

Toasted to summer!

Ciao Mindoro!
To view more pics, go to my Multiply account by clicking here.